^

Probinsiya

3 patay sa encounter, 6 sugatan

-
Isang rebelde at dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang anim pa ang nasugatan kabilang ang isang pulis makaraang makasagupa ng mga awtoridad ang tinatayang 20 komunistang grupo ng New People’s Army (NPA) sa Matnog, Sorsogon, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala na sina Marites Gabito at Reynante Ladin habang inaalam pa ang pangalan ng napaslang na rebelde.

Ang nasugatang pulis ay nakilalang si PO1 Anthony Lazana habang arestado naman ang rebeldeng si Amado Gadao na nagtamo rin ng sugat sa engkuwentro.

Nakilala naman ang mga nasugatang sibilyan na pawang tinamaan rin ng ligaw na bala na sina Jenel Labitag, 4 anyos; Jonel Labitag, 12; Gloribel Ladim, 14; at Alwin Belonio, 9; pawang nilalapatan pa ng lunas sa Sorsogon Provincial Hospital.

Base sa report na tinanggap ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, dakong alas-9:50 ng gabi ng makasagupa ng mga elemento ng Matnog Municipal Police Station ng Sorsogon Provincial Police Office sa pamumuno ni SPO1 Emiliano Ramos, Deputy Chief of Police ang 20 NPA red fighters sa Brgy. Tabunan, Matnog.

Nagkaroon ng mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig kung saan bunsod sa paghabol ng nasabing mga pulis sa nagsisitakas na mga rebelde ay nahagip ng ligaw na bala ang naturang mga sibilyan sa nasabing lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang Colt cal. 45 pistol , 12 bala ng cal 9mm, magazine ng cal. 45 na may lamang pitong bala, mga personal na kagamitan ng mga rebelde at iba pa. (Ed Casulla at Joy Cantos)

ALWIN BELONIO

AMADO GADAO

ANTHONY LAZANA

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

DEPUTY CHIEF OF POLICE

ED CASULLA

EMILIANO RAMOS

GLORIBEL LADIM

JENEL LABITAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with