^

Probinsiya

Dalaga dinukot, pinatay ng bf

- Edwin Balasa -
Taytay, RizalArestado ang isang 24-anyos na lalaki makaraang dukutin at patayin nito ang kanyang kasintahan at upang maitago ang krimen ay ibinalot nito sa carpet ang bangkay bago itinago sa ilalim ng kama sa Brgy. San Juan ng bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Frederick Sensing, may dalawang bahay na matatagpuan sa Sta. Rita Homes, Sitio Burol, Brgy. San Juan Cainta at M. Javier St., Brgy. San Juan Taytay, pawang sa Rizal. Sasampahan ito ng kaukulang kaso ng pulisya matapos umanong patayin ang biktimang si Catherine Alcantara, 17, nobya nito at kapitbahay sa inuuwiang bahay sa Cainta.

Ayon kay Sr. Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-2 ng madaling-araw sa bahay ng suspek sa Taytay matapos ang ilang araw na pagkawala.

Nauna rito, nagtungo ang ama ng biktima sa himpilan ng Cainta Police upang ipagbigay-alam ang pagkawala ng kanyang anak ng ilang araw at sinabing ang suspek ang huling nakasama nito.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at nagtungo sa bahay ng suspek sa Cainta subalit sinabi ng mga kapatid nito na nandoon ito sa kabilang bahay nila sa Taytay na pinuntahan naman ng pulisya kasama ang tatay ng biktima.

Subalit habang patungo ang grupo sa bahay ng suspek sa Taytay ay nakasalubong nila ito sa kalsada habang nagmamaneho ng motorsiklo kaya agad nila itong pinahinto upang tanungin kung nasaan ang nawawalang biktima subalit itinanggi nito na may kinalaman siya sa pagkawala ng huli.

Hindi naman nakumbinsi ang pulisya sa mga sagot ng suspek kaya nagpasama ang mga ito upang magtungo sa bahay ng una sa Taytay at nang kanilang siyasatin ang loob nito ay laking pagkamangha nila nang makita ang biktima na wala nang buhay habang nakabalot sa kulay pulang carpet na medyo nangangamoy na sa ilalim ng kama sa isa sa mga kuwarto ng bahay.

Hindi na naitanggi ng suspek ang krimen at sinabi kaya niya nagawa ang krimen ay dahil sa sobrang selos niya nang malaman na may ibang lalaking nanliligaw sa biktima.

vuukle comment

BAHAY

BRGY

CAINTA

CAINTA POLICE

CATHERINE ALCANTARA

FREDDIE PANEN

FREDERICK SENSING

JAVIER ST.

RIZAL

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with