^

Probinsiya

3 sundalo patay, 12 sugatan

- Ni Angie dela Cruz -
Tatlong miyembro ng Philippine Marines ang nasawi habang 12 sundalo pa ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Maj. Gamala Hayudini, information officer ng Southern Command, unang naganap ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa pagkalabas ng bayan ng Indanan sa Jolo kahapon matapos na tambangan ang isang marine patrol. Nagkaroon ng putukan sa Buanza na nagresulta sa pagkakapaslang ng tatlong Marines at pagkasugat ng 9 nilang kasamahan.

Ilang oras lamang ang nakakalipas ay isa pang sagupaan sa pagitan ng army patrol at Abu Sayyaf men sa isang remote village sa Candilamon na nagresulta ng pagkakasugat ng tatlo pang sundalo.

Sinabi ni Hayudini na agad na iniutos ni Southern Command chief Lt. Gen. Edilberto Adan ang reinforcement sa dalawang nabanggit na lugar.

Tinataya ng opisyal na marami rin sa tropa ng ASG ang nalagas at nasugatan sa naturang labanan. (May ulat ng AP)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BUANZA

CAMP CRAME

CANDILAMON

EDILBERTO ADAN

GAMALA HAYUDINI

HAYUDINI

JOLO

PHILIPPINE MARINES

SOUTHERN COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with