Trader nilikida
November 8, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang 43 anyos na negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army habang nag-ooperate ng kanyang negosyo ang biktima sa bayan ng Polilio, Quezon noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Supt. Jesus Versoza, Region 4-A police director ang biktimang si Jimmy Lim Rotaquio ng Sitio Agta, Barangay Kalubakis sa bayan ng Polilio, Quezon at owner-operator ng mini video-cinema house sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng gabi nang lusubin ng mga armadong kalalakihan ang mini-cinema house ni Rotaquio saka pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta.
Hindi naman makalapit ang ilang kalalakihang saksi sa insidente sa takot na madamay.
Ayon sa mga residente, bago magsitakas ang mga armadong kalalakihan ay sumigaw pa ito ng "mga rebeldeng NPA kami, walang susunod".
Malaki ang paniniwala ng pulisya na tumatangging magbigay ng revolutionary tax ang biktima kaya isinagawa ang krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest