Estudyante dinukot, ni-rape ng pinsan
November 7, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang 3rd year high school student ang dinukot at ginahasa ng kanyang mismong pinsan ang natagpuang inabandona sa Brgy. Patagan, San Miguel, Catanduanes, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Joan, 14 ( hindi tunay na pangalan ), residente ng Brgy. Pangpang, Labo, Camarines Norte.
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek na si Deolito Villegas 28 , may asawa, magsasaka at naninirahan rin sa naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ni Brgy. Captain George Teanillo dakong alas- 7:30 ng gabi na pagala-gala sa naturang lugar kung kaya ito ay kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na ang suspek ay nagbabakasyon lamang sa bahay ng kamag-anak nito na nakilalang sina Mr. and Mrs. Benito delos Santos sa Brgy. Pampang , Labo Camarines Norte.
Nabatid na ang biktima ay niyaya ng suspek na magtungo sa bayan ng Labo , Camarines Norte subalit imbis na umuwi ay sumakay ng bus patungo sa Tabaco City kung saan nag-overnight ang dalawa sa isang lodging house at doon na ginasaha ang biktima na nasundan pa kinabukasan ng umaga sa isang taniman ng abaca bago ito inabandona. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest