^

Probinsiya

Graduating coed nagbaril

-
SOLANO, Nueva Vizcaya – Isang kolehiyala na nakatakdang magtapos sa pag-aaral sa darating na Marso ang kumpirmadong namatay matapos barilin ang sarili sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Barangay Poblacion South, Solano ayon sa ulat ng pulisya kahapon

Ayon kay PO3 Romeo Gerlan, may hawak ng kaso, kinilala ang biktimang si Reyna Tadao, 19, residente ng Barangay Antipulo, Asipulo Ifugao at kasalukuyang naninirahan sa Malliling Boarding House Espino St. Poblacion South, Solano kung saan kasalukuyang nag-aaral sa Aldergate College na nakabase rin sa bayang ito.

Batay sa salaysay ng kanyang mga boardmates, dakong alas-5 ng hapon noong Huwebes nang magkulong ito sa kanyang inuupahang kuwarto ang biktima hanggang sa makarinig na lamang sila ng isang putok ng baril. Nakita na lamang na nakahandusay na ang katawan ng biktima na naliligo sa sariling dugo matapos niyang barilin ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib gamit ang isang kalibre .38 baril na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Isang suicide note ang nakita sa ibabaw ng kanyang mesa kung saan nakasaad ang kanyang pamamaalam sa kanyang mga magulang, kapatid at ’di umano’y boyfriend na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. (Victor Martin)

vuukle comment

ALDERGATE COLLEGE

ASIPULO IFUGAO

BARANGAY ANTIPULO

BARANGAY POBLACION SOUTH

ISANG

KANYANG

MALLILING BOARDING HOUSE ESPINO ST. POBLACION SOUTH

NUEVA VIZCAYA

REYNA TADAO

ROMEO GERLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with