Amok: 3 sugatan
October 30, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Tatlo katao ang malubhang nasugatan matapos silang pagtatagain ng isang nag-amok na mister kamakalawa ng gabi sa Sitio Bualao, Barangay Binodegahan, Pioduran, Albay.
Nakilala ang mga biktima na sina Gloria Moraoda, 45, may-asawa, Warlito Tubola, 60, may-asawa at Abraham Rito, 45, may-asawa at pawang residente ng naturang lugar.
Samantala ang suspek na kaagad namang naaresto ng mga miyembro ng Philippine Army na rumesponde sa lugar ay kinilalang si Salvador Moraoda, 40, may-asawa at residente ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng gabi habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan sa labas ng kanilang bahay nang ang suspek na lango sa alak at armado ng itak ay bigla na lamang dumating at walang habas na pinagtataga ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kaagad namang isinugod ang mga biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital upang malapatan ng lunas ang kanilang mga tinamong sugat.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek upang pagtatagain nito ang tatlong mga biktima na pawang mga kapitbahay ng suspek.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest