^

Probinsiya

Meningo patuloy

-
BAGUIO CITY Patuloy ang kaso ng killer bacterial disease ng sakit na meningococcemia, ngayong panahon ng tag-lamig at naitala ang dalawang pasyente nito mula sa lalawigan ng Benguet sa siyudad na ito.

Sa report ni Dr. Myrna Cabotaje, Regional Director ng Department of Health (DOH) mula Setyembre 26 hanggang sa kasalukuyan ay 410 meningoccocal cases ang naitala at 85 dito ay namatay.

Ang Benguet ang siyang may pinakamataas na bilang ng pasyente ng meningo na 172; sinundan ito ng Baguio City na 156; Mountain Province 65; Ifugao 6 at 10 mula sa Ilocos region at Cagayan Valley.

Sinabi pa ng opisyal sa 410 nakitaan ng sintomas ng sakit na ito ay 182 ay kumpirmado na nagtataglay ng killer disease sa pamamagitan ng laboratory examination at karamihan sa kanila ay nasa pangangalaga ng Baguio General Hospital and Medical Center at Benguet General Hospital.

Matatandaan na ang biglang pagsulpot ng meningoccocal cases na dulot ng respiratory infection, cold at flu ay bunga ng malamig na panahon noong Disyembre 2004 na pinupuntirya ang mga taong mahihina ang resistensya. (Artemio Dumlao)

vuukle comment

ANG BENGUET

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BENGUET GENERAL HOSPITAL

CAGAYAN VALLEY

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. MYRNA CABOTAJE

MOUNTAIN PROVINCE

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with