^

Probinsiya

Lider ng holdaper, 1 pa patay sa shootout

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang lider ng notoryus robbery-holdup gang at isa sa kanyang miyembro ang napaslang makaraang makipagbarilan ang dalawa sa tauhan ng Regional Intelligence Office 4-A(RIO-4A) at Biñan PNP, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sto Tomas, Biñan, Laguna.

Kinilala ni P/Supt. Clifton Empiso, hepe ng Biñan PNP, ang mga inakusahang holdaper na napatay na sina Leonardo Ronquez, 45, alyas "Nardo" ng Tawi-tawi St. South City Homes, Biñan, Laguna at itinuturong lider ng Bakawan Robbery Holdup Gang.

Napatay din ang isang tauhan ni Ronquez na nakilalang si Juan Fernandez, alyas "Jhonny" matapos na makipagbarilan sa mga umaarestong pulisya.

Ayon sa ulat, armado ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Hilario Corquera ng Biñan Regional Trial Court Branch 25 ay nilusob ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng dalawang akusadong holdaper sa bahay ng kanilang kaanak na may birthday.

Papalapit palang sana ang mga pulis sa kinaroroonan nina Ronquez nang bigla paputukan ang dalawa na kung saan tinamaan kaagad sa braso at dibdib si SPO1 Francisco Dorante na nakatalaga sa RIO-4A at ngayo’y nagpapagamot sa Perpetual Help Hospital sa bayan ng Biñan. Gumanti naman ang pangkat ng pulisya hanggang duguang bumulagta sina Ronquez at Fernandez. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BAKAWAN ROBBERY HOLDUP GANG

BARANGAY STO TOMAS

CLIFTON EMPISO

ED AMOROSO

FRANCISCO DORANTE

JUAN FERNANDEZ

JUDGE HILARIO CORQUERA

LEONARDO RONQUEZ

RONQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with