^

Probinsiya

P1.3-M speed boat, dinonate ng BFAR

-
ORION, Bataan — Iginawad na kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamahalaang panlalawigan dito ang P1.3 milyong halaga ng Spanish speed boat na gagamiting panlaban sa mga mangingisdang gagawa ng illegal fishing sa karagatan bahagi ng lalawigan ng Bataan.

Tinanggap ni Congressman Albert Garcia ng ikalawang distrito kaharap sina Orion Mayor Tony Peps Raymundo, Pilar Mayor Charlie Pizarro at Bagac Mayor Wawaw Ramos ang certificate of award ng patrol boat kay Remedios Ongtangco, director ng BFAR ng Region-3 dakong alas-9:30 ng umaga na isinagawa sa Port of Orion, Orion Bataan.

Sinabi ni Cong. Garcia na malaking tulong ito sa lalawigan ng Bataan sa programang isinusulong ni Bataan Governor Enrique Garcia na buong paglaban sa mga pirata at mga illegal fishermen sa nasasakupang bahagi ng lalawigan ng Bataan.

Ayon naman kay Director Ongtangco, sinsero ang pamunuan ni Gobernor Garcia sa kanyang programa na mahigpit na ipinatutupad ang pagsugpo sa illegal fishing sa pamamagitan ng dynamite, sudsod, paggamit ng pinong fishnet at ibang pang uri ng illegal na paggamit ng panghuli ng isda.

Ipinahayag ni Imelda Inieto, hepe ng Provincial Agriculture ang patrol boat na may haba na 28 footer na may bilis na 29 knots, 108 horse power at maglalaman ng walong katao ay ginawa sa pamamagitan ng fiber glass sa bansang Spain.

Sinabi pa ni Inieto na umabot na sa 319 kaso ng illegal fishing ang naisasampa na sa korte sa Bataan simula noong Enero hanggang Hunyo 2005 subali’t isa pa lamang ang natuluyan, karamihan na nahuhuli ay pinagmumulta lamang ng mula sa P2,000 hanggang P20,000 depende sa bigat na isinampang kaso sa mga ito.

Ayon kay Ongtangco panglima ang patrol boat na ito sa ipinamahagi ng BFAR Region-3 sa Pilipinas sa pamamagitan ng grant. Ang mga lalawigan na nakinabang sa programang ito ay ang Bataan, dalawa; isa sa Olongapo City; Zambales at Aurora. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AYON

BAGAC MAYOR WAWAW RAMOS

BATAAN

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE GARCIA

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CONGRESSMAN ALBERT GARCIA

DIRECTOR ONGTANGCO

GOBERNOR GARCIA

IMELDA INIETO

JONIE CAPALARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with