^

Probinsiya

Riot: 1 patay, 3 pa sugatan

-
CAVITE – Isa ang kumpirmadong namatay habang tatlo pa katao ang sugatan makaraang mag-riot ang isang grupo ng mga kabataan sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi sa insidente ang biktimang si Richard Matias, 22- anyos, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa pagamutan ang mga sugatang sina Wilma India, 52, Brgy. Justice; Romeo Zarate, 26, may-asawa, vendor at Philip Ramirez, 15-anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina PO3 Edgar Belza at PO1 Antonio Gutierrez may hawak ng kaso, ganap na alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente. Nakatanggap umano ng tawag si Brgy Justice India na may gulong nangyayari sa Zone 1 ng nasabing lugar kaya mabilis itong nagresponde at minalas na masugatan sa barilan ng magkaaway na grupo ng mga kabataan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek na apat dito ang nakitaan na pawang mga armado ng maiiksing baril. Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya sa kasalukuyan para sa posibleng ikakaaresto ng mga suspek. (Cristina G. Timbang)

ANTONIO GUTIERREZ

BRGY

BRGY JUSTICE INDIA

CRISTINA G

EDGAR BELZA

PHILIP RAMIREZ

RICHARD MATIAS

ROMEO ZARATE

WILMA INDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with