^

Probinsiya

Police vs 3 wanted: 2 parak sugatan

-
CAVITE Dalawang pulis-Cavite ang malubhang nasugatan makaraang maka-engkuwentro ng mga ito ang tatlong wanted persons kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion 4, General Mariano Alvarez, ng lungsod na ito.

Kinilala ni Chief Insp. Randulf Tuaño, hepe rito ang mga biktima na sina SPO2 Danilo Bago at SPO1 Hermogenes Manimtim, pawang nakatalaga sa General Mariano Alvarez.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sina Arnold David alias ‘Anot’ ng B-8 Brgy. Pob 4: Herminigildo Vibal Jr. alias ‘Pato’, ng Pob. 2 at Jayson Ramos alias ‘Fukoda’, ng Pob. 4, pawang nakatira sa GMA, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Margarito Umali, may hawak ng kaso, dakong alas-9:30 ng gabi nang personal na magsadya sa kanilang himpilan si PO1 Norman de Leon upang humingi ng responde sa kaguluhang nagaganap sa nabanggit na lugar.

Mabilis namang rumesponde ang mga nabanggit na pulis ngunit nasorpresa sila dahil sinalubong sila agad ng mga putok ng baril dahilan upang tamaan agad ang dalawang pulis.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang nagsagawa naman ng mabilisang follow-up operation ang Task Force Balikatan sa pamumuno ni Major Tuaño subalit bigo rin ang mga ito na makita pa ang mga suspek.

Isang nagngangalang Noel David ang inaresto ng pulisya, ama ng isa sa mga suspek at sinampahan ng pulisya ng kasong R.A 1829 o obstruction of justice dahil sa pagpapatakas nito umano sa mga suspek.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng manhunt operation ang mga kagawad ng pulisya para sa ikadarakip ng tatlong wanted kung saan ay inalerto na rin ang lahat ng istasyon ng PNP. (Cristina Go Timbang)

ARNOLD DAVID

BARANGAY POBLACION

CAVITE

CHIEF INSP

CRISTINA GO TIMBANG

DANILO BAGO

GENERAL MARIANO ALVAREZ

HERMINIGILDO VIBAL JR.

MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with