ISAFP agent itinumba
September 30, 2005 | 12:00am
IBA, Zambales Isang opisyal ng military na pinaniniwalaang agent ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Phil. (ISAFP) ang iniulat nasawi matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan (RHB) habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Amugan, Iba, Zambales kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Zambales Provincial Police Office (ZPPO) director P/Senior Supt. Edgardo T. Ladao, nakilala ang biktima na si M/Sgt. Victor A. Pamplona, 39, nakatalaga sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army (24th IB-PA) sa bayan ng Palauig, Zambales.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natiyempuhan ang biktima na nag-iisa sa kanyang bahay nang pasukin at paslangin ng mga rebelde dakong alas-3:00 ng hapon.
Napag-alaman pa sa ulat na si Pamplona ay dating team leader ng Spot Zambales, isang grupo mula sa Military Intelligence Group-III (MIG-3) ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na tumitiktik sa mga isinasagawang pagkilos ng nasabing mga rebeldeng grupo.
Itinaas naman sa red alert ang kampo ng 24th IB-Philippine Army sa naganap na pamamaslang sa biktima para mapigilan ang anumang hakbang ng mga rebeldeng RHB. (Fred Lovino, Jeff Tombado at Alex Galang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest