^

Probinsiya

Nene ni-rape slay

-
BATAAN — Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 5-anyos na nene matapos na halayin ay pinagtulungang sakalin hanggang sa mapatay ng dalawang kapitbahay na pinaniniwalaang may kinalaman sa krimen sa Barangay Camachile sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa ng gabi.

Ang bangkay ng biktima na natagpuang walang saplot sa katawan ay nakilalang si April Rodriguez, samantala, sasampahan ng kaukulang kaso ang dalawang suspek na si Bernardo Vicente at Jesus Tanega na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Benjamin Silo, hepe ng pulisya sa bayan ng Orion, huling namataang buhay ang biktima na nakipanood ng telebisyon sa bahay ni Milagring Labida, habang nasa labas ng bakuran ang mga suspek na nag-iinuman ng alak.

Napag-alamang hindi na nakauwi pa ang biktima hanggang sa hanapin ng kanyang mga magulang na sina Cesar at Maricel Rodriguez na galing sa pangingisda.

Makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan ang bangkay ng biktima na walang saplot sa katawan.

Lumitaw sa isinagawang awtopsiya ni Chief Insp. Edison Lopez ng Bataan PNP crime laboratory, ang biktima ay may palatandaang hinalay at nagkaroon ng iba’t ibang galos sa katawan maging ang leeg ay nabarahan ng dugo na nagpapatunay na pinatay sa sakal ang bata. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

APRIL RODRIGUEZ

BARANGAY CAMACHILE

BENJAMIN SILO

BERNARDO VICENTE

CHIEF INSP

EDISON LOPEZ

JESUS TANEGA

JONIE CAPALARAN

MARICEL RODRIGUEZ

MILAGRING LABIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with