2 rapist tiklo sa sigaw
September 25, 2005 | 12:00am
CAVITE Nailigtas sa kamay ng dalawang manyakis na pedicab driver ang isang 16-anyos na estudyante matapos na ito ay magsisigaw at marinig ng isang residente, habang ito ay aktong pagsasamantalahan sa isang bakanteng bahay sa Lakersfield Subd, Barangay Toclong, Kawit kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni C/Insp. Hersan Mojica, positibong itinuro ng biktima na itinago sa pangalang Alice, dalagita at residente ng nabanggit na lugar ang naarestong mga suspek na sina Mark Anthony Gejis, 19, at Ricky Parchamento 18, kapwa binata, ng nasabi ring lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Arnulfo Lopez, may hawak ng kaso dakong alas-9:00 ng gabi nang sumakay ang biktima sa pedicab ni Gejis na kasama ang isa pang suspek. Imbes na ihatid ito sa kanyang tahanan ay puwersahan umano siyang dinala sa bakanteng bahay. (Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Jorge Hallare | 13 hours ago
Recommended