^

Probinsiya

Magpinsan todas sa road mishap

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tumilapon ng may ilang metro mula sa sinasakyang motorsiklo ang magpinsan na kapwa nasawi matapos na masalpok ng kasalubong na trak sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Canlalay sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa. Ang mga biktimang lulan ng motorsiklong may plakang TO 1572 ay nakilalang sina Joselito Bawiga at Cesar De Castro, samantalang sugatan naman si John Joel De Castro. Nasa custody ng pulisya ang drayber ng trak (UHX-840) na si Antonio Bonito ng Apacible Street, Paco, Maynila. Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na sakuna. (Ed Amoroso)
Buntis na misis kinatay
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Isang 43-anyos na buntis na misis ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay San Vicente sa Buraburan, Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Duguang nakabulagtang natagpuan ng kanyang mister ang biktimang Merly Morante-Atencio na nagtamo ng maraming sugat ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Wala naman mapagkikilanlan sa suspek na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot nang pasukin ang bahay ng biktima at isagawa ang pamamaslang. (Ed Casulla)

vuukle comment

ANTONIO BONITO

APACIBLE STREET

BARANGAY CANLALAY

BARANGAY SAN VICENTE

CAMARINES SUR

CESAR DE CASTRO

ED AMOROSO

ED CASULLA

JOHN JOEL DE CASTRO

JOSELITO BAWIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with