Todas sa Lamitan bombing, 4 na
September 18, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Umabot na sa apat katao ang binawian ng buhay sa 30 kataong biktima ng pagsabog ng M/V Dona Ramona Ferryboat sa Lamitan, Basilan noong nakalipas na Agosto 28.
Kinilala ang ikaapat na biktima na nasawi habang nakaratay sa Minando Burn Center sa Davao Medical Center na si Renato Cestina, 43, chief cook ng nasabing ferryboat.
Ayon kay Dr. Mitzi Aportadera, ang biktima ay nalagak sa naturang pagamutan simula pa noong Setyembre 2.
Nauna nang naitala sa mga nasawi ang mga biktimang sina Sonny Boy Hamac, 12; Ismain Olmok, 30, canteen caretaker ng barko at Emmanuel Torres, 18, canteen helper.
Matatandaang dakong alas-7 ng umaga nang pasabugin ang nasabing barko bago pa man ito makapaglayag patungong Zamboanga dahilan upang masugatan ang 30 pasahero.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabigyang-linaw ang insidente. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
2 hours ago
Recommended