Negosyanteng Koreano kinatay
September 17, 2005 | 12:00am
ANGELES CITY Pinagtulungang tagain hanggang sa mapaslang ang isang 50-anyos na negosyanteng Koreano ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa inuupahang apartment ng biktima sa kahabaan ng Jasmin Street sa Hensonville Subdivision, Angeles City kamakalawa ng umaga.
Ang biktimang tatlong taong nanirahan sa Pinas bilang turista at may ibat ibang negosyong kahina-hinala ay nakilalang si Fran cis Yim, ayon kay P/Senior Supt. Policarpio Segubre, provincial director.
Ayon sa pulisya, walang anumang mahalagang gamit sa bahay o malaking halaga ang tinangay ng mga suspek matapos na paslangin si Yim sa harap ng ka-live-in partner nito at ilang kasambahay.
Napag-alamang pumasok sa tinutuluyang apartment ng biktima ang mga suspek na armado ng mahabang itak at patalim saka iginapos ang ka-live-in ng Koreano at ilang katulong.
Agad na tinungo ng mga suspek ang masters bedroom na kinaroroonan ng biktima.
Nabatid na nakipagbuno pa ang biktima sa mga suspek sa harap ng mga nakagapos na kasambahay, subalit nanaig ang lakas ni kamatayan.
Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa negosyo ng biktima ang isa sa motibo ng krimen. (Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest