Katayan ng aso sa Benguet ni-raid
September 16, 2005 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang isang compound na pinaniniwalaang imbakan ng mga aso na nakatakdang katayin sa bahagi ng Barangay Cruz sa bayan ng La Trinidad, Benguet.
Ayon kay P/Senior Insp. Nestor Bangayan, team leader ng Division Special Operations Group (DSOG), dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ang compound na pag-aari ni Sammy Bugtog Comiles.
Aabot sa 44 askal ang nailigtas sa katayan, samantalang nakatay na ang19 aso na ang karne ay tumitimbang na 48 kilo.
Agad na inaresto ang 49-anyos na si Comiles at dinala sa regional office ng CIDG sa Baguio City, kasama ang mga askal na nakalagay sa bakal na kulungan at nakatakdang dalhin sa impounding area sa may slaughter house sa Baguio City.
Sa pahayag ni P/Senior Supt. Marvin Bolabola, regional chief, ang nasabing operasyon na tinawag na Task Force Animal, ay ipinag-utos ni Chief PNP Arturo Lomibao, matapos humingi ng tulong si US animal rights advocate Martin Hanz sa reklamong laganap ang bentahan at pagkatay sa tinaguriang "Man"s Bestfriend."
Napag-alamang may nakasuhan na tungkol sa pagbebenta ng aso na mula sa Batangas, Laguna at Cavite at dinadala sa Cordillera, subalit sa mababang piyansa at parusa ay paulit-ulit ang ginagawang modus operandi ng mga nagnenegosyong askal. (Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended