Pulis kinatay ng asawang parak
September 14, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang babaeng pulis ng sariling mister na pulis din matapos na tumanggi ang una na makipagbalikan sa sadistang asawa sa naganap na karahasan sa Barangay Sambag 1, Cebu City kamakalawa ng hapon.
Dalawamput isang saksak ang tumapos sa buhay ng biktimang si PO2 Luchelle Luchavez Tejano, 25, nakatalaga sa Family Juvenile Gender Sensitivity Section ng Police Regional Office (PRO) 7.
Tugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na ibinilang sa mga most wanted na kriminal na nakilalang si PO1 Karl Luo Tejano, 26, nakadestino sa Police Regional Office (PRO) 9 sa Pagadian City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa bahay ng biktima ang suspek sa # 242 C Gotaniuy Compound sa nabanggit na barangay upang sunduin ito at ang anak na babae, pero tumanggi ang una na sumama.
Nabatid na ang biktima ay isang battered woman kaya ayaw makipagbalikan sa kaniyang asawa na isa pa namang naturingang tauhan ng pulisya.
Bunga nito, nagdilim ang isipan ng suspek matapos gulpihin ang kaniyang misis at mamilipit ito sa sakit.
Sa kabila naman nang iniindang sakit sa katawan ay nagawang makatakbo ng biktima at nagkulong sa kuwarto, subalit puwersahan binuksan ng suspek at isinagawa ang brutal na pamamaslang bago tumakas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest