^

Probinsiya

Retarded na binata ni-rape ng 13 bading

-
BAGUIO CITY – Humihingi ng hustisya ang mga magulang ng isang 17 taong gulang na lalaking retarded na halinhinang ginahasa ng 13 bakla hanggang sa magkasakit ito ng gonorrhea na umabot sa 3rd degree sa lungsod na ito.

Sa salaysay ni Wilma Patacsil, ina ng biktimang si Richard (hindi tunay na pangalan), mag-iisang taon na nang maganap ang walang awang pagsasamantalan ng mga bakla sa kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip nguni’t ito ay matangkad at guwapo.

Ayon kay Patacsil, naganap ang paulit-ulit na pang-aabuso sa kanyang anak noong Hulyo hanggang Setyembre 2004.

Nadiskubre lamang nilang mag-asawa ang masaklap na sinapit ng anak matapos itong mamilipit sa sakit ng pag-aari at may lumalabas na nana na natuklasang gonorrhea ng ipasuri ito sa manggagamot at umaabot na sa P100,000 ang kanilang nagagastos.

Bagaman at bata ang pag-iisip ay nagawang ikuwento ng biktima sa mga magulang ang pagsasamantala sa kaniya ng 13 bading na naulit pa ng maraming beses.

Unang nakasuhan ng rape at nilabasan ng warrant of arrest ang limang suspek na sina Mickey Cayabyab, ng Urdaneta Pangasinan; alyas Joy, Alyas Iris, alyas Valerie at Mikey Santos.

Sa mga ito si Santos lamang ang nakakulong ngayon at si Valerie naman ay nagmakaawa at dinismis ang kaso, samantalang tatlo pa ay nakatakas .

Samantalang dinidinig naman sa City Prosecutors Office ngayon ang kaso laban sa apat na suspek na sina Melvin Eden, Alyas Princess, Billy Daquico at Aurelio Baltazar at apat pa ang hindi nasampahan ng kaso dahil sa pangakong tetestigo sa krimen. (Artemio Dumlao)

vuukle comment

ALYAS IRIS

ALYAS PRINCESS

ARTEMIO DUMLAO

AURELIO BALTAZAR

BILLY DAQUICO

CITY PROSECUTORS OFFICE

MELVIN EDEN

MICKEY CAYABYAB

MIKEY SANTOS

URDANETA PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with