5 sugatan sa 2 senglot na PSG
September 9, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Lima katao ang iniulat na nasugatan matapos mabundol ng Isuzu Trooper na sinasakyan ng dalawang lasing na tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang tatlong behikulo sa karambola ng sasakyan sa Cebu City, kamakalawa.
Batay sa ulat ng Cebu City Traffic Operations Management, kapwa naka-inom ng alak sina Staff Sgt. Richard Josol, 33, at Roque Rañola, 39, ng maganap ang insidente noong isang gabi bago ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa naturang lungsod.
Naitala ang sakuna dakong alas-8:20 ng gabi nang maatrasan ng puting Isuzu Trooper na may plakang RAA-878 na hiniram lamang kay Customs District Collector Ma. Lourdes V. Mangaoang at minamaneho ni Josol ang isang Fuso fighter truck van na may license plate na GWA 229 sa kanto ng Magallanes at Lapu-Lapu Streets.
Sa halip umanong huminto ay pinasibad ng dalawang PSG ang hiniram na sasakyan ng opisyal ng Customs bunsod upang mabangga naman nito ang isang Lahug-Colon bound passenger jeepney na may plakang FVP 641 sa kanto ng F. Gonzales at Lapu-Lapu Sts. na ikinasugat ng limang pasahero kabilang ang isang labingpitong taong gulang na dalagita.
Mabilis na dinala ni Reneboy Llenos, tsuper ng nabanggang pampasaherong jeep ang mga nasugatang biktima sa Cebu City Medical Center (CCMC) para malapatan ng lunas.
Hiniling naman agad ng mga awtoridad sa mga opisyales ng Malacañang sa Sugbo (Cebu) na isailalim sa imbestigasyon ang kanilang mga tauhan na sinasabing kapwa positibo sa alcohol.
Posibleng maharap ngayon ang dalawang Cebu-based presidential guards sa kasong multiple physical injuries, hiwalay na kaso ng attempting to escape from authorities; driving without a license; at driving under the influence of liquor.
Nabatid na ipinahiram lamang ni Mangaoang ang sasakyan sa kahilingan ni Felix Guanzon, Presidential Assistant for Central Visayas.
Nabatid kay Guanzon na iniutos lamang niyang isoli ang nasabing sasakyan sa tanggapan ni Mangaoang dakong alas-5 ng hapon pero hindi agad tumalima ang nasabing mga PSG na nag-inom pa umano. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended