^

Probinsiya

3 katao patay habang naghuhukay

- Ni Victor Martin -
NAGUILLAN, Isabela Tatlong katao ang binawian ng buhay matapos na hinihinalang kinapos ng hininga habang naghuhukay para sa gagawing deep-well kamakalawa ng umaga sa Barangay Rang-ayan sa bayang ito.

Ayon sa ulat ni Vince Blancad, hepe ng Naguillan police station kay P/Sr. Supt. Percival Barba, police provincial director ng Isabela, ang mga biktima ay nakilalang sina Roger Adalem, 46, residente ng Makati City; Excel Causapin, 35, Quezon City at Arnold Castillo na residente naman ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ang tatlong biktima ay namatay habang nasa loob ng 12-meter deep hole kung saan naghuhukay umano ang mga ito para sa isang deep-well project.

May teorya ang pulisya na malamang ay kinapos ng hininga ang mga biktima sa lalim ng butas na kanilang hinukay na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Lumalabas din sa pagsisiyasat ni Blancad na nabarahan ng tubig ang tubo na kanilang ipinasok sa loob ng hukay kung kaya’t minabuti nilang pasukin ang kalaliman ng hukay subalit kinapos ang mga ito ng hininga dahil na rin sa usok ng generator na kanilang ginamit.

Pinag-aaralan din ng pulisya ang iba pang anggulo sa pagkasawi ng mga biktima.

ARNOLD CASTILLO

BARANGAY RANG

EXCEL CAUSAPIN

ISABELA

MAKATI CITY

PERCIVAL BARBA

QUEZON CITY

ROGER ADALEM

SR. SUPT

VINCE BLANCAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with