Mga killer ng pulis di alalay ng mayor
September 3, 2005 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Mariing pinabulaanan ni Calamba City Mayor Joaquin Chipeco ang napaulat sa pahayagang ito (PSN September 1) na bodyguard niya ang dalawang suspek na nakapatay sa isang pulis sa nabanggit na lungsod noong Martes ng hapon (Agosto 30)
Sa naging panayam ng PSN kay Mayor Chipeco, inamin niyang mga empleyado ng city hall sina Landicho "Oniong" Castillo at Fernando Geca, pero nilinaw niyang hindi niya ito mga bodyguard.
Naunang napaulat na kasama sina Castillo at Geca sa limang suspek na bumaril at nakapatay sa isang imbestigador ng Calamba PNP na si SPO1 Rufino R. Maglinao habang nakikipag-inuman ng alak sa kanyang mga bisita sa Barangay Mayapa.
Matatandaang bineripika ng PSN sa police station ng Calamba City kung bodyguard nga ni Mayor Chipeco sina Castillo at Geca bago ginawa ang balita na inayunan naman ito noong una at binawi rin naman sa bandang huli.
Bukod sa dalawa, kasama ring tinutugis ng kapulisan ang mga suspek na sina Jimmy Castillo, Resty Mamalayan ng Barangay Mayapa at Michael Manaig ng Barangay Bubuyan na pinaniniwalaang naging kasabwat sa pamamaslang.
Kaugnay nito, nag-utos na si Mayor Chipeco sa mga awtoridad ng malalimang imbestigasyon sa kasong ito para sa ikadarakip ng mga tumakas na mga suspek.
"Hindi ko kukunsintihin ang maling gawain, kailangan humarap sila sa batas at para mabigyang katarungan ang naging biktima sa karahasang ito," ani Chipeco
Ayon naman kay Supt. Rolan Bustos, hepe ng Calamba PNP, sinampahan na nila ng kasong murder ang limang suspek sa city prosecutors office ng Calamba na may IS # 1173-05-C kaninang umaga.
Nag-utos din si Bustos sa kanyang mga tauhan na mag-undergo ng telephone courtesy training at gumawa ng tamang procedures para sa pagbibigay ng impormasyon sa mga media para maiwasan ang paglabas ng maling balita sa mga pahayagan. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended