2 estudyante todas sa road mishap
September 1, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY Dalawang estudyante ang kumpirmadong nasawi, habang 12 naman ang malubhang nasugatan matapos na bumaligtad ang pampasaherong dyip na nawalan ng gulong sa highway na sakop ng Sitio Talisay, Barangay Divisoria sa bayan ng Cawayan, Masbate, kamakalawa.
Naipit sa ilalim ang dyip na bumaligtad ang mga biktimang sina Laurente Pepito, 16 at Julian Almanzor, 13, kapwa estudyante at residente ng Barangay Villahermosa ng naturang bayan.
Samantala, ginagamot sa Cawayan District Hospital ang sugatang mga biktimang sina Sherlita Arriesgado, Dina Godienes, Marilyn Godienes, Carmelo Cuyes, Joelito Suan, Meriam Bonacao, Pablo Camana, Enecito Ygot, Rizza Jumaoas, Jesus Ornopia, Rene Arresgado, at Jennifer Domoran na pawang residente ng naturang bayan.
Base sa ulat, bandang alas-6 ng umaga nang malubak sa kalsada ang dyip (EVG-526) na minamaneho ni Melvin Ylanan habang lulan ang mga biktima na naging sanhi para matanggal ang unahang gulong nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumaligtad ng may ilang ulit ang dyip na sinasakyan ng mga biktima na ikisanawi ng dalawang estudyante at ikinasugat naman ng labindalawang iba pa. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am