Kelot inararo ng bus, dedo
August 21, 2005 | 12:00am
CAVITE Masaklap ang naging kamatayan ng isang 51-anyos na lalaki matapos na magkalasug-lasog ang katawan nito nang mahagip ng isang rumaragasang bus sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Bayan Luma sa Imus kahapon ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ang biktima na si Quirino Concecio Ednalaguim, may-asawa at residente ng 2/F Grahambel, Bacoor, ng nasabing lalawigan bunga ng matinding pagkabagok ng ulo at pagkalasog ng kanyang katawan.
Agad namang naaresto ang driver ng bus na si Junny Brazin, 35, may-asawa, tubong Leyte at nakatira sa No. 72 Brgy. Carsadang Bago, Imus.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Noriel de Jesus, may hawak ng kaso, bandang alas-12 ng tanghali habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan nang bigla na lamang dumating ang humahagibis na Lorna Express bus na may plakang DWH-249 na pag-aari ng Angeles Bayot kaya hindi na ito nakaiwas pa.
Tumilapon ang biktima ng may ilang metro ang layo sanhi ng matinding sugat at bali sa katawan.
Base sa report, umover-take ang driver sa kanan nito at hindi nakayanan na imaniobra uli ang bus kung kaya nahagip ang biktima. (Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 19 hours ago
By Doris Franche-Borja | 19 hours ago
By Jorge Hallare | 19 hours ago
Recommended