5 todas sa madugong sagupaan
August 18, 2005 | 12:00am
SAN ANTONIO, Nueva Ecija Lima-katao ang iniulat na napaslang, kabilang ang isang matandang babae habang isa naman ang sugatan nang muling magsagupa ang tropa ng militar, pulis at pangkat ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa bahaging sakop ng Sitio Barangan, Barangay San Francisco ng bayang ito, noong Martes ng hapon.
Ayon kay Captain Ruel Rombaoa ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Fort Magsaysay, Palayan City; tatlo sa mga napatay ay rebelde, na nakilala lamang sa mga alyas na Ka Tano; Ka Richard at Ka Ronald.
Sa ulat naman ni P/Supt. Roel Obusan, hepe ng PNP Provincial Intelligence and Investigation Branch, nasawi sa cross-fire ang 70-anyos na sibilyang si Rebecca Gonzales y Linsangan ng Barangay San Francisco.
Nasawi sa panig ng militar ay isang kawal na may ranggong technical sergeant mula sa 702nd Infantry Brigade at pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan habang ipinaaalam muna sa kanyang pamilya.
Gayunman, nasakote ang isang rebelde na nakilalang si Jojo Temporado makaraang masugatan sa madugong engkuwentro na tumagal ng tatlong oras.
Base sa ulat, nakasagupa ng tropa ng military at operatiba ng pulisya mula sa bayan ng San Antonio at NEPPO ang pangkat ni Ka Mio ng Kilusang F1 na kumikilos sa bahagi ng Bulacan. Narekober naman sa pinangyarihan ng sagupaan ay anim na malalakas na kalibre ng baril. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended