18-anyos hinoldap na ginahasa pa
August 8, 2005 | 12:00am
LUCENA CITY Dobleng kamalasan ang inabot ng isang 18-anyos na babae nang ito ay gahasain matapos na holdapin ng dalawang adik sa bawal na gamot kamakalawa ng gabi sa loob ng St. Ignatios Memorial Park na sakop ng Barangay Market View.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joanna Marie (hindi tunay na pangalan) at residente ng Barangay Ibabang Dupay.
Isa sa dalawang suspek ang kaagad namang nadakip at ito ay nakilalang si Guzman Dapol ng Barangay Mayao Crossing.
Batay sa ulat ni PO3 Edna Santiago, officer-on-case, naglalakad patungo sa kanilang bahay ang biktima nang harangin ng mga suspek dakong alas-11 ng gabi.
Tinutukan ng baril sa leeg ang biktima saka sinuntok sa hita at ng maubusan ng lakas ay dinala ng mga suspek sa loob ng nabanggit na private cemetery at isinagawa ang maitim na balak.
Tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang mamahaling cell phone ng biktima at ang pera na P27,000.00. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended