Anak ng 'lover' ng jueteng crusader kinidnap
August 6, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Dinukot kahapon ang anak na lalaki ng pinaratangang lover ng jueteng crusader ng ilang kalalakihan sa kahabaan ng national road ng Barangay Tandoc sa San Carlos City, Pangasinan. Sa isang radio interview, sinalaysay ni Jaime Aquino na kinidnap ang kanyang anak na limang taong-gulang na si Jerome Aquino.
Ayon kay Aquino, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng national road ng Brgy. Tandoc, San Carlos City, Pangasinan bandang alas-onse ng umaga kahapon.
Sa pahayag ni Jaime, kasalukuyan siyang lulan ng kulay pulang Mazda na may plakang 323 kasama ang kanyang anak na si Jerome at pamangking si Joel, 22, patungo sa San Carlos City upang paunlakan ang imbitasyon ni Mayor Julian Reseño na nagmula sa himpilan ng Lingayen Provincial Police Office (PPO) nang harangin ng mga armadong kalalakihan.
Ang mga suspek ay lulan naman ng dalawang motorsiklo at armado ng malalakas na kalibre ng armas nang puwersahan ng mga itong kaladkarin ang bata.
Wala umanong nagawa si Jaime matapos siyang tutukan ng baril ng mga kidnaper.
Sinabi ni Jaime na namukhaan niya ang dalawa sa mga kidnaper na tinukoy nitong si Doming Molina, pinaniniwalaang miyembro ng gun-for-hire at isang umanoy ex-convict na si Alberto Certizo.
Inireport na sa mga awtoridad ni Jaime ang nabanggit na insidente at umapela rin ito sa mga kidnaper na huwag sasaktan ang bata. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended