Sayyaf bomber nadakma
August 2, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Bumagsak sa kamay ng tropa ng militar ang itinuturing na subleader ng Abu Sayyaf urban terrorist group (UTG) na responsable sa serye ng pambobomba sa Kamindanawan makaraang magsagawa ng operasyon sa hangganan ng Barangay Recodo at Ayala sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni AFP-Southern chief Lt. General Alberto Braganza, ang suspek na si Alex Kahal alyas Alex Alvarez ay sugatang nadakip matapos na manlaban sa bagong tatag na anti-terror Task Force Zamboanga na pinamumunuan ni Col. Edgardo Gidaya.
Napag-alamang si Kahal ay sangkot sa pambobomba sa Shop-O-Rama Market sa Malagutay noong Oktubre 2002 na kumitil ng tatlong buhay kabilang na ang isang kasapi ng US Special Forces at ikinasugat ng hindi nabatid na bilang na sibilyan. Sangkot din si Kahal sa pagdukot sa 50 guro at estudyante ng Claret Elementary School at Tumahubong National High School sa Punoh Mahaji, Sumisip, Basilan noong Marso 2000.
Ang grupo rin ni Kahal ang responsable sa pambobomba sa SuperFerry 14 noong Pebrero 27, 2004 at serye ng Valentines Day bombing sa Makati City may ilang buwan na ang nakalipas.
Si Kahal na kasama sa 15-man demolition team kabilang si Abu Kosovo na nagsanay sa Barangay Usao, Patikul, Sulu ay ginagamot sa Camp Navarro Hospital sa Punong-tanggapan ng Southern Command dahil sa tinamong tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended