^

Probinsiya

Love triangle sa pagpaslang sa konsehala

-
BAGUIO CITY — Malaki ang posibilidad na anggulong love triangle at problema sa pamilya ang pangunahing motibo sa pagpaslang kay Bantay Municipal Councilor Criselda Bondoc na pinagbabaril ng isang hindi kilalang lalaki noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Orence, Narvacan, Ilocos Sur.

Ito ang tinututukan ngayon ng binuong Task Force Criselda ni P/Supt. Crispin Agno, provincial director ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Base sa ulat ng pulisya, si Bondoc na nasa ikalawang termino bilang konsehala sa bayan ng Bantay at kilalang negosyante ay binaril sa likurang bahagi ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa gasolihan na pag-ari ng kanyang asawang si Elpidio Collo.

"Posibleng love triangle o kaya problema sa pamilya ang dahilan ng pagpatay sa biktima. Wala namang nakikitang anggulo sa pulitika sa motibo ng pagpaslang," pahayag ni P/Supt. Panfilo Racho, provincial chief ng CIDG

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, si Bondoc at Collo ay sinampahan kamakailan ng kasong bigamy ng unang asawa ni Collo, subalit, ito’y nadismiss ng korte.

Nalaman din sa imbestigasyon na ang nasabing gasoline station ay isa conjugal property ni Collo at unang asawa nito na ngayon ay nagta-trabaho sa bansang Spain. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

BANTAY MUNICIPAL COUNCILOR CRISELDA BONDOC

BARANGAY ORENCE

COLLO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISPIN AGNO

ELPIDIO COLLO

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR POLICE PROVINCIAL OFFICE

PANFILO RACHO

TASK FORCE CRISELDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with