^

Probinsiya

Air Force official na dinukot, hiniling palayain

-
Nanawagan kahapon ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) sa grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na palayain ang kinidnap nilang Air Force sa Floridablanca, Pampanga noong Sabado.

Ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla, isang non-combatant ang biktimang si Major Neptune Eliquin, kasapi ng 355th Engineering Wing na nakabase sa Fernando Basa Air Base sa Bayan ng Floridablanca.

Si Eliquin ay dinukot ng tinatayang mahigit 30 rebelde sa pamumuno ni Ka Turi ng Lino Blas Command at Ka Edu ng Palermo Ortañez Command sa Sitio Uno Malinta, Mawakan Village, Floridablanca noong Sabado dakong alas-2:30 ng hapon.

Nabatid na ang biktima ay bibisita sa kanyang plantasyon sa Bgy. Mawakan sa naturang bayan nang harangin at puwersahang tangayin ng mga rebeldeng komunista.

Nabatid base sa intelligence report na buhay pa si Eliquin pero mahigpit itong binabantayan ng mga armadong rebelde sa kagubatan ng Pampanga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kinidnap ang biktima matapos na mairita ang mga rebelde sa puspusang pangangasiwa nito sa mga proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan na ibig ng mga komunistang grupo na pigilan ang pag-unlad. (Ulat ni Joy Cantos)

AIR FORCE

ENGINEERING WING

FERNANDO BASA AIR BASE

FLORIDABLANCA

JOY CANTOS

KA EDU

KA TURI

LINO BLAS COMMAND

MAJOR NEPTUNE ELIQUIN

MAWAKAN VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with