^

Probinsiya

Habambuhay sa mag-ama kinatigan ng Supreme Court

-
Kinatigan ng Supreme Court (SC) na makulong habambuhay ang mag-amang pumatay ng isang barangay tanod sa Virac, Catanduanes.

Sa 27-pahinang desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Romeo Callejo, ang mag-amang Jose at Allan Bulan ay unang hinatulan ng Virac, Catanduanes, Regional Trial Court (RTC) ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa biktimang si Alberto Mariano.

Ayon sa SC, napatunayan na nagkasala ang mag-amang Bulan matapos na tanggapin ng korte ang testimonya ng testigong si Perlita Mariano, kapatid ng biktima.

Dalawang ulit umanong pinagsasaksak ng akusado ang biktima sa likuran nito.

Hindi rin pinaniniwalaan ng korte ang depensa ng mag-amang akusado dahil sa walang merito at bigat.

Wala ring ebidensiya na nakapagpababa ng sentensiya laban sa mag-ama kung kaya’t kapwa pinagbabayad ng P100,000 bilang danyos sa kaanak ng biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ALBERTO MARIANO

ALLAN BULAN

ASSOCIATE JUSTICE ROMEO CALLEJO

AYON

BULAN

CATANDUANES

PERLITA MARIANO

REGIONAL TRIAL COURT

SUPREME COURT

VIRAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with