^

Probinsiya

P7-M pekeng kape nasabat ng NBI

-
Aabot sa P7-milyong pekeng kape na pinaniniwalaang ipinakalat sa mga bayan ng Central Luzon ang nasabat makaraang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba’t ibang tindahan kamakalawa. Dahil sa reklamo ng pamunuan ng Nestle Phils., Inc. na may sumasabotahe ng kanilang produktong instant coffee ay sinalakay ng NBI ang mga tindahan sa pamilihang bayan sa Dipaculao, Baler at Maria Aurora na pawang nasa lalawigan ng Aurora.

Napag-alamang sinalakay rin ang pitong tindahan sa bayan ng Poblacion, San Isidro, Gapan at Cabanatuan City, Nueva Ecija.

May teorya ang mga awtoridad na nagkukuta sa kalapit bayan ng Nueva Ecija at Aurora ang sindikato na gumagawa ng pekeng kape. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AABOT

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON

DAHIL

DANILO GARCIA

MARIA AURORA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTLE PHILS

NUEVA ECIJA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with