Killer ng brodkaster nadakma ng CIDG
May 27, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago ng pangunahing suspek sa pamamaslang sa isang brodkaster sa Legazpi City, Albay makaraang masakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang dragnet operation sa bahagi ng Barangay Arimbay sa Masbate City kahapon ng umaga.
Base sa ulat ni P/Supt. Benito Estipona, hepe ng CIDG-Bicol kay P/Senior Supt. Ricardo Dapat, director ng CIDG, kinilala ang suspek na si Clarito Arizobal Jr. 38, tubong Barangay Gaid, Cataingan, Masbate at residente ng Barangay Bigaa, Masbate City.
Ang suspek ay itinuturong killer ni Rowell "Mr. Guapo" Endrinal noong Pebrero 11, 2004 habang papasok ng radio station dzRC sa Barangay Oro Site ng nasabing lungsod.
Si Arizobal Jr. ay may patong sa ulo na P250,000 na gumagamit ng alyas Boy Zapanta at may mga nakabinbing kasong murder, robbery-in-band at homicide sa Masbate kaya naitala bilang isa sa most wanted sa Kabikulan.
Sa panayam ng PSN kay Arizobal Jr., inamin nito na gun-for-hire ang kanyang trabaho mula sa ilang tiwaling politiko na may halagang P15, 000 kada ulo.
Napag-alaman din sa ulat, na si Arizobal Jr. ay namamasukan sa Green Heaven Lodging House sa Barangay Bigaa, may apat na buwan na ang nakalilipas.
Matapos ang dalawang araw na pagmamanman ay isinagawa ang operasyon nina P/Insp. Cesar Dalonos; SPO4 Rolando Barroga; SPO2 Roger Silades; PO3 Emerito Zamora at PO2 Amy Montales, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Henry Basilla ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 3. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended