^

Probinsiya

2 magkapatid patay sa nasunog na tree house

-
Batangas City –Nalitson ng buhay ang dalawang magkapatid at kritikal naman ang isa pa matapos na makulong sa nasunog na tree house na kanilang tinutulugan sa Barangay San Isidro Labac lungsod na ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Inspector Von Nicasio, Batangas City Fire Marshall ang mga nasawi na sina Noemi Torralba, 13-anyos at Jayson, 9, kapwa dead on the spot, samantalang nasa malubhang kalagayan naman si Jhonny Torralba, 12, na nagpapagaling sa Batangas Regional Hospital.

Isang nakilala lamang sa pangalang Anthony Pentinio, 28, ang nabalian naman ng buto nang tangkain nitong iligtas ang mga bata.

Ayon sa pagsisiyasat ng Batangas City Fire Station, napag-alamang ang sunog ay nagsimula matapos sumabog ang isang light bulb na nag-short circuit.

Bandang alas-10:20 ng gabi ng magsimula ang sunog at tumagal lamang ng halos limang minuto bago nila matagpuan ang mga namatay na biktima na pawang magkayakap pa.

Nagtataka naman ang mga imbestigador kung bakit hindi ini-report ng pamilya ang kaso. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANTHONY PENTINIO

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN ISIDRO LABAC

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY FIRE MARSHALL

BATANGAS CITY FIRE STATION

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

INSPECTOR VON NICASIO

JHONNY TORRALBA

NOEMI TORRALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with