^

Probinsiya

P5-M kontrabando pinalusot

-
SUBIC BAY FREEPORT — Aabot sa P5-milyong imported luxury vehicles at mamahaling automotive spare parts na nakaimbak sa bodega ng Naval Supply Depot ang iniulat na naipuslit palabas ng freeport sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Law Enforcement Department (LED) at ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF).

Ito ang ibinunyag sa PSN ng isang mapagkakatiwalaang impormante matapos ang ginawang inspeksyon ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Subic Port District Collector Atty. Marietta Zamoranos sa isang container van sa NSD compound noong Lunes ng hapon.

Napag-alamang mula sa Japan ang mga imported vehicles at inabandona ng consignee na hindi tinukoy ang pangalan.

Tatlong linggo na ang nakalilipas ng unang buksan ng BoC personnel ang nasabing container van na kinalalagyan ng kontrabando at ng kanilang binalikan at buksang muli noong Lunes para opisyal na kumpiskahin ay nasorpresa ang mga tauhan ng Customs dahil walang laman ang van.

Kaugnay nito, napag-alamang nagsisisihan ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) dahil sa pagkawala ng kontrabando sa kabila nang mahigpit na pagbabantay sa entry/exit gate ng NSD compound ng SBMA police at ng Anti-Smuggling Task Force sa ilalim ni ret. Lt. Gen. Jose Calimlim. (Jeff Tombado)

vuukle comment

AABOT

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

BUREAU OF CUSTOMS

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

MARIETTA ZAMORANOS

NAVAL SUPPLY DEPOT

SUBIC PORT DISTRICT COLLECTOR ATTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with