Marino todas sa Russian roulette
May 15, 2005 | 12:00am
CAVITE Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 33-anyos na marino makaraang maputukan ng baril sa sintido habang naglalaro ng Russian Roulette kaharap ang kanyang mga kaibigan sa Barangay Salitran 4, Dasmariñas, Cavite kamakalawa.
Sabog ang bungo ng biktimang si Joselito Cagampan, tubong Canlubang, Laguna at naninirahan sa Room F, Marilag Apartment sa Block 3 Lot 17 Mangoville Subdivision ng nabanggit na barangay.
Lumitaw sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Belza, na nagyaya ang biktima sa kanyang mga kaibigang nag-iinuman na maglaro ng Russian Roulette, subalit tumanggi ang mga kainuman dahil masyadong mapanganib.
Pinayuhan ng mga kaibigan ang biktima na ibalik na sa lagayan ang baril na kinuha nito sa inuupahang apartment, subalit hindi nagpaawat at nagyayabang pa bago tinanggal ang lima sa anim na bala.
Napag-alamang pinaikot muna ng biktima ang lagayan ng bala bago itinutok sa sentido at kinalabit.
Sa isang kisap-mata ay umalingawngaw ang malakas na putok at duguang bumulagta ang biktima. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest