4 preso pumuga
May 8, 2005 | 12:00am
KORONADAL CITY Apat na preso na pinaniniwalaang may mga nakabinbing kaso sa korte ang nakapuga mula sa detention cell ng Koronadal City PNP station makaraang lagariin ang bintanang bakal noong Huwebes ng gabi, May 5, 2005.
Kabilang sa tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina: Allan Binaldo; Wilson Dayandayan; Calim Cañete at Alfredo de Jesus. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na isinumite kay P/Supt. Florendo Quidilla, police chief ng Koronadal City PNP, nakatakas ang apat matapos na wasakin ang bintanang bakal sa likurang bahagi ng naturang lugar bandang alas-5:15 ng umaga.
Ang apat na preso na may ilang buwang nakakulong ay nakatakas habang ang kanilang kabaro ay natutulog. Nadiskubre ang jailbreak may ilang minuto pa lamang nakatakas ang apat na preso.
May posibilidad na kapabayaan din ng ilang guwardiya na nakapagpuslit ng maliit na lagare ang mga bisita ng apat, kaya naganap ang insidente. (Ulat ni Ramil Bajo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended