^

Probinsiya

Mag-utol, 1 pa todas sa balon

-
RAMON, Isabela – Tatlong kalalakihan na kinabibilangan ng mag-utol ang namatay makaraang tangkaing iligtas ang isa pa nilang kapatid na nahulog sa hinuhukay na malalim na balon sa Barangay Bugallon Norte sa bayang ito noong Huwebes ng hapon, Mayo 5, 2005.

Kabilang sa nasawing biktima ay nakilalang sina Diony Pablo ng Barangay San Miguel sa bayan ng Ramon; ang magkapatid na Pedro Honorio at Daniel Honorio na kapwa residente ng Barangay Bugallon Norte sa bayang ito.

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Jose Molina, hepe ng PNP sa bayan ng Ramon, ang mga biktima ay namatay sa may 15-metrong lalim na hinuhukay na balon habang inililigtas si Windel Honorio na unang nahulog habang naghuhukay sa nasabing lugar.

May teorya ang mga imbestigador ng pulisya, na kakulangan ng hangin sa ilalim ng balon kaya’t nahirapan ang tatlo at hindi na nakayanan ng kanilang katawan.

Sa kasalukuyan ay nasa Southern Isabela General Hospital si Windel Honorio na unang nahulog sa hinuhukay na balon, samantalang wala ng buhay ang mga biktima nang iahon ng mga rescue team mula sa balon. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

BARANGAY BUGALLON NORTE

BARANGAY SAN MIGUEL

CHIEF INSP

DANIEL HONORIO

DIONY PABLO

JOSE MOLINA

PEDRO HONORIO

SOUTHERN ISABELA GENERAL HOSPITAL

VICTOR MARTIN

WINDEL HONORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with