P14.4-M marijuana nasabat
May 5, 2005 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Aabot sa P14.4 milyong puno ng marijuana ang nasamsam ng mga kagawad ng pulisya makaraang salakayin ang plantasyon ng bawal na halaman sa tri-boundary ng La Union, Ilocos Sur at Benguet, ayon sa ulat kahapon.
Sa naging pahayag ni P/Senior Supt. Samuel B. Diciano, La Union PNP provincial director, ang marijuana ay nakatanim sa liblib na kagubatang sakop ng mga Barangay Lettac, Mangaan, Ramot, Puguil, Tubaday Proper, Tebak at Batang na matatagpuan sa bayan ng Santol.
Karamihan ay puno ng marijuana ang nadiskubre sa malawak na lupain sakop ng Sitio Bitio, Barangay Badew sa bayan ng Kibungan, Benguet at mga bayan ng Licungan at Sugpong, Ilocos Sur.
Napag-alamang nagsisimulang bunutin ng mga kagawad ng pulisya sa pamumuno ni P/Chief Inspector Sterling Blanco ang ilang puno ng marijuana nang paputukan sila ng mga hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok ang magkalabang puwersa hanggang sa umatras ang mga rebelde. Narekober ng pulisya ang anim na malalakas na kalibre ang baril at ibat ibang bala partikular na ang ilang subersibong dokumento.
Pinaniniwalaang nagmimintine ng plantasyon ng marijuana ang mga rebelde upang may pangsuporta sa kanilang makakaliwang kilusan. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest