Kidnaper timbog, estudyante nailigtas
May 3, 2005 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Nabawi ng mga kagawad ng Criminal Intelligence and Detection Group (CIDG) ang isang 16-anyos na estudyanteng babae makaraang tangayin ng isang 30-anyos na Fil-Am kamakalawa sa Mabini St. Barangay Bagumbayan, Balanga City.
Kinilala ni PC Insp. Antolin Rumbaoa, hepe ng CIDG ang biktimang itinago sa pangalang Richelle ng Barangay Calungusan, Orion, Bataan.
Samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Larry Enriquez y Lonzon, 30, ng Barangay Burgos Pilar, Bataan.
Sa ulat, kinidnap ang biktima noong Abril 30 ng hapon sa plasa ng Balanga City.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang mamataan ang suspek na sakay ng big bike, kaangkas ang biktima.
Agad na isinagawa ang operasyon at pagsapit sa eksaktong lugar ay nakorner ni Rumbaoa ang suspek at ng makilala ng suspek na isa itong operatiba ay akmang bubunot ito ng baril, subalit pinuputukan agad ni Rumbaoa sa kaliwang balikat.
Mabilis namang isinugod ang suspek sa Isaac Catalina Memorial Center sa Balanga City at ngayon ay nagpapahinga habang binabantayan ng pulisya. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest