Konsehal itinumba ng NPA
April 21, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang 33-anyos na konsehal ng barangay na pinaniniwalaang dating rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na pinaslang ng kanyang mga kasamahang rebelde habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Sitio Balite sa Barangay Imelda, bayan ng Claveria, Masbate kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yancy "Boyet" Puso. Ang biktima ay tumiwalag sa makakaliwang kilusan noong 2001 at hindi nito naibalik pa ang malakas na kalibre ng baril na pag-aari ng kilusan kaya pinaniniwalaang ginantihan ng mga dating kasamahan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended