100 atleta nalason
April 21, 2005 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Aabot sa sandaang atleta na kalahok sa Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA) sa Alcala Sports Complex sa Lucena City ang iniulat na nalason makaraang kumain ng adobong manok noong Lunes ng hapon. Gayunman ay pansamantalang hindi dinala sa pagamutan ang mga delegadong atleta mula sa Antipolo City dahil na rin sa personal na inasikaso ng kanilang nurse na si Mila Tupaz na nagbigay ng kaukulang gamot.
Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng hapon ay nagtungo sa tinutuluyang kampo sa Pagbilao Elementary School ang mga nasabing atleta matapos na lumahok sa ibat ibang palaro ng STCAA.
Napag-alamang ang nilutong sinigang na baboy at adobong manok na kinain ng mga biktima ay naging sanhi upang makaramdam ang mga atleta ng pananakit ng tiyan at magkakasunod na nagtungo sa palikuran.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigayon ng mga opisyal ng municipal health office ng Pagbilao, Quezon sa naganap na insidente upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng pananakit ng tiyan ng mga atleta. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended