^

Probinsiya

High school student kinidnap

-
LAGUNA — Isang 15-anyos na high school student ang iniulat na dinukot ng apat na maskaradong kalalakihang sakay ng van sa San Pedro, Laguna noong Huwebes ng hapon.

Ang biktimang si Maria Kristine de los Reyes, 3rd year sa Pacita National High School sa Pacita Complex ay kinidnap bandang alas-2:30 ng hapon.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang natatanggap na tawag sa telepono mula sa mga kidnaper o anumang pakikipag-ugnayan sa sindikato tungkol sa kalagayan ng biktima, pahayag ng pamunuan ng Presidential Anti-Crime Emergency Response (Pacer).

Base sa ilang saksi, bago maganap ang insidente ay namataan ang biktima na nagtungo sa kalapit na tindahan para bumili ng mineral water.

Nilapitan ng biktima ang nakaparadang kulay itim na van sa kahabaan ng pedestrian lane para magsalamin sa side mirror.

Ayon pa sa impormasyon, habang nagsasalamin ang biktima ay biglang lumabas sa van ang tatlong maskaradong lalaki at tinutukan ng patalim ang estudyante saka kinaladkad papasok ng van na walang plaka.

Pinagbantaang papatayin ang mga kasamang kaklase ng biktima kapag hindi nanahimik. (Ulat ni Rene Alviar)

AYON

HANGGANG

HUWEBES

ISANG

MARIA KRISTINE

PACITA COMPLEX

PACITA NATIONAL HIGH SCHOOL

PRESIDENTIAL ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

RENE ALVIAR

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with