^

Probinsiya

186 kilong marijuana nasamsam

-
SABLAN, Benguet – Aabot sa 186 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na lulan ng van ang nasamsam ng mga kagawad ng pulisya sa checkpoint na sakop ng bayan ng Sablan na ikinadakip ng magka-live-in partner kamakalawa ng umaga. Pormal na sinampahan ng paglabag sa Illegal Drugs Act ang mga suspek na sina Romeo Nugue Pascual, 50, at Marissa Flores Balisi, 40, kapwa walang trabaho at residente ng #27 Bagong Silang, Delpan Street, Binondo, Maynila.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. Vilamor Bumanglag, Benguet PNP provincial director, ang mga suspek ay lulan ng Hyundai Grace van (WKL-776) patungong kabayanan ng Sablan nang sundan ng pulisya at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ulat, nakalusot ang sasakyan ng mga suspek sa unang checkpoint, subalit sa ikalawang pagkakataon ay nakahalata na ang dalawa kaya pinaharurot ni Romeo ang van hanggang sa makorner ng pulisya sa bahagi ng bayan ng Sablan.

Narekober sa dalawa ang 47 bricks na pinatuyong marijuana (186 kilos) na nakabalot sa pitong sakong plastic na nagkakahalaga ng P3,720,000, dalawang cellular phone at Guardian Forces ID ni Pascual.

Ayon kay Bumanglag, may ilang buwan ding isinailalim ang mga suspek sa masusing surveillance hanggang sa may nagbigay ng impormasyon sa modus operandi ng magka-live-in partner. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

BAGONG SILANG

BENGUET

DELPAN STREET

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GUARDIAN FORCES

HYUNDAI GRACE

MARISSA FLORES BALISI

SABLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with