^

Probinsiya

Amok: Pulis, 1 pa patay

-
LA TRINIDAD, Benguet — Napaslang ang isang kagawad ng pulisya at isang 34-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng barangay captain na nag-amok noong Biyernes sa Sitio Algod, Barangay Poblacion, Lubuagan, Kalinga.

Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni PO1 Victor Tallog ng PNP Regional Mobile Group-Cordillera at Erlinda Bungot na kapwa residente ng Barangay Mabilong, Lubuagan. Samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Barangay Captain Hilvis Busol.

Ayon kay P/Supt. James Dogao, Kalinga PNP provincial director, kasalukuyang naglalakad papauwi ang biktimang si PO1 Tallog mula sa trabaho nang makasalubong ang nag-aamok na suspek hawak ang baril at agad na pinaputukan ang mga biktima.

Hindi pa nakuntento ay kinuha pa ng suspek ang M16 rifle mula sa sariling bahay at bumalik sa crime scene bago muling pinaputukan ang duguang nakabulagtang pulis.

Nang marinig ni Bungot ang sunud-sunod na putok ng baril ay agad itong lumabas ng kanyang bahay.

Agad na sinulubong ng suspek si Bungot at pinaputukan din ng M16 rifle.

"Posibleng may kaugnayan ang insidente sa matagal na alitan ng pamilya ng pulis laban sa suspek," dagdag pa ni Dogao.

Pormal na nagsampa ng kasong double murder sa prosecutor’s office ang pulisya laban sa tinutugis na suspek. (Ulat ni Artemio Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY CAPTAIN HILVIS BUSOL

BARANGAY MABILONG

BARANGAY POBLACION

BUNGOT

ERLINDA BUNGOT

JAMES DOGAO

KALINGA

LUBUAGAN

REGIONAL MOBILE GROUP-CORDILLERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with