^

Probinsiya

Dyip sumalpok sa puno: 5 patay

-
LAGUNA — Lima-katao ang kumpirmadong nasawi habang labingwalo naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok sa puno ang sinasakyang pampaseherong dyip ng mga biktima sa kahabaan ng South Luzon Expressway na sakop ng Barangay Mamplasan sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga biktimang nasawi ay nakilalang sina: Malou Palomares, 27; Edgar Neala, 32, kapwa residente ng Tagkawayan, Quezon; Mauricio Alvarez, 28, ng Sta. Rosa, Laguna, at dalawang bineberipika pa ang pagkikilanlan.

Ginagamot naman sa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna, ang mga sugatang biktima na sina: Jose de Sagun; Marian Sanlindato; Mary Joy Gappe; Jose Buen; Reynaldo Pagadura; Efren Gumalas; Maria Lota Maloles; Arnel De Ocampo; Maria Victoria Bilon; Robert Francis Bana at Prima Duldulan. Nasa Biñan Doctor’s Hospital naman sina: Josefino Dela Cruz; Jamie Casilang; Jerico Borja; Laurence Angelo; Reca Aguilar at Rosita Aguilar.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Apolinar Felipe, director ng Regional Traffic Management Office -4, naitala ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon makaraang sumalpok ang dyip sa pine tree sa loob ng South Luzon Expressway.

Ayon sa impormasyon nakalap ng pulisya sa mga nakasaksi, nakaidlip ang drayber na si Josefino Dela Cruz na patungong Calamba City mula sa Alabang kaya sumalpok sa puno ang sasakyang may plakang DFF-183.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng dyip dahil sa pagkamatay ng limang sibilyan, ayon sa pulisya. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

APOLINAR FELIPE

ARNEL DE OCAMPO

ARNELL OZAETA

BARANGAY MAMPLASAN

CALAMBA CITY

ED AMOROSO

EDGAR NEALA

EFREN GUMALAS

JOSEFINO DELA CRUZ

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with