Army sgt. dinedo ni misis
April 4, 2005 | 12:00am
San Jose City, Nueva Ecija Isang Army Sgt ang namatay matapos na bambuhin ng baseball bat sa ulo ng kaniyang misis habang mahimbing na natutulog sa kanilang tahanan sa Zone 11, Brgy. Sibut ng lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Roel Obusan, Provincial Intelligence and Investigation Branch Chief ang biktima na si TSgt. Rogelio Fernandez Sr, 56 anyos at nakatalaga sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City. Sa imbestigasyon, nabatid na dakong ala-1:30 ng madaling-araw noong Sabado ng maganap ang insidente.
Bigla na lamang pinaghahampas ng ginang ng baseball bat ng kaniyang anak ang biktima na sa dami ng dugong tumagas sa ulo ay namatay sa insidente. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang ginang na si Marcelina Fernandez na inako ang krimen na nagawa umano niya dahilan sa pambababae ng kaniyang mister. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended