^

Probinsiya

PNP colonel, 3 pa sasabit sa pagpatay sa reporter

-
CAMP AGUINALDO – Patuloy na lumalalim ang imbestigasyon sa pagpaslang sa lady columnist na si Marlene Esperat matapos na lumutang kahapon na isa pang police colonel, anak nito, isang pulitiko at isang negosyante ay kabilang sa mga pinaghihinalaang may kinalaman sa krimen na naganap sa Tacurong City Sultan Kudarat noong Huwebes Santo.

Si Esperat, 45, columnist ng Midland Review sa Mindanao ay pinaslang ng nag-iisang salarin habang isa pa ang nagsilbing lookout dakong alas-7:30 ng gabi.

Nabatid na isa sa masusing tinitingnan ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang kay Esperat ay ang walang takot na pagbatikos at pagbubulgar nito sa katiwalian sa National Food Authority (NFA) na kinasasangkutan umano ng isa sa mga suspek na si Wilmar Padrones, contractor ng nasabing tanggapan.

Si Padrones ay na-convict sa kasong malversation, subali’t nakapagpiyansa at isa rin sa mga pakay ng hot pursuit operations ng mga awtoridad, ayon sa ulat.

Gayunman, tumanggi si Central Mindanao Police (Police Regional Office 12) Director P/Chief Supt. Antonio Billiones na tukuyin ang mastermind sa kaso habang patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Sinabi pa ni Billiones na masusi ring iniimbestigahan ng binuong Task Force Esperat ang posibleng pagkakasangkot ng isang lokal na pulitiko sa kaso ng pagpatay sa hard hitting na kolumnista.

Magugunita na bagaman at may dalawang pulis na security escort si Esperas bunga ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ay naisakatuparan ang pamamaslang matapos na pagbakasyunin nito ang kanyang bantay nitong Semana Santa. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTONIO BILLIONES

CENTRAL MINDANAO POLICE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

HUWEBES SANTO

JOY CANTOS

MARLENE ESPERAT

MIDLAND REVIEW

NATIONAL FOOD AUTHORITY

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with